Viral ngayon ang pambubuking ng netizen na si "Lhorevie Mortega Bartolay" hinggil sa kung paano niya natuklasang may "kinakalantaring" ibang babae ang kaniyang jowa.

Natuklasan ni Lhorevie ang pakikipag-usap ng boyfriend sa ibang bebot nang mabasa nito ang mga "pilyang kumbersasyon" nila sa messaging app na Telegram.

Nagkataong mahimbing na natutulog ng mga sandaling iyon ang kaniyang jowa.

"Pag gising mo tuturuan kita pano magbura or magtago ng conversation sa Telegram pa talaga kayo nag-uusap ang sweet n'yo naman ni Angel," sey sa caption.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"Sa ngayon, enjoyin mo muna pagtulog mo. Baka kasi huling tulog mo na 'yan HAHAHAHAHAHAHAHA."

Sa comment section ng kaniyang mismong post ay mapapansing idinaan na lamang sa biro ng netizen ang kaniyang hinanakit sa jowa.

"SLEEP WELL BY."

"BAKA HULING TULOG MUNA YAN."

"THE DESIGN IS VERY NAKAKAGIGIL."

"NABASA KO SA CONVO NILA NAGDUDUO DIN SILA SA EML NG DI KO ALAM."

"KAYA MGA BOYFRIEND N'YO BANTAYAN NYO NAKIKIPAG-DUO NANG PALIHIM SA ML."

"MGA BABAERO TALAGA MGA TAGA STA MARIA BULACAN."

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang update mula kay Lhorevie kung ano na ba ang ginawa niya sa kaniyang jowa pagkagising nito.

Umabot na sa 131k shares, 227k reactions, at 31k comments ang naturang Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!