Naaawa raw si Lolit Solis sa Kapuso actor na si Alden Richards dahil parang lahat daw ng kinikilos nito ay binabantayan.

Sey ni Lolit ganoon daw talaga kapag nasa taas ang isang tao, pilit daw na hinihila pababa.

"Kawawa naman si Alden Richards , Salve. Para bang lahat ng kilos niya ngayon binabantayan. Talagang ganuon pag nasa itaas ka, pilit kang hinihilang pababa. Kasi nga marami ang maiinggit sa iyo, marami ang hihingi ng pabor na pag di mo pinagbigyan, ayun na, titirahin ka," patutsada ni Lolit.

"Pero dahil likas na mabait at walang ere si Alden, hindi lang siya kumikibo. Kahit si mama Tenten na laging nakabantay kay Alden mabait din at magalang. Wala kang maipipintas sa kanila. Iyon burden talaga ng pagiging top star mahirap dalhin dahil sa bigat ng pressure," dagdag pa niya.

Pelikula nina Bea, Alden di na raw tuloy dahil daw sa di-pagkakaunawaan?

Kahit na ganoon ang nangyayari kay Alden, palagi lamang daw tandaan nito na mas maraming nagmamahal sa kaniya.

"Pero tiyak ko kakayanin iyan ni Alden Richards. People with good hearts will always win life struggles. At basta tandaan lang ni Alden Richards, mas marami nagmamahal sa kanya, mas marami nagtatanggol, kaya safe siya sa anuman birada ng mga walang magawa. You will always be a winner, because you are a good man. Go go Alden Richards, we love you, bongga."

Samantala, kamakailan ay may lumabas na tsikanghindi na raw matutuloy ang pelikulang pagbibidahan at pagtatambalan nina Alden at Bea Alonzo.

Ayon sa isang lumabas na ulat, nagkaroon daw ng “personality clash” sina Alden at Bea sa halos pagtatapos ng kanilang taping sa kanilang seryeng “Start Up PH.” Mayroon umano silang hindi pagkakaunawaan ngunit hindi malinaw kung ano ito.