Emosyonal na inalala muli ng ang fans at K-pop community ang yumaong si ASTRO Moonbin kasunod ng pag-memorialize sa kaniyang Instagram account, napansin ng ilang fan groups nitong Martes, Mayo 9.

Isa ang entertainment page na “Thumbs Up PH” ang muling umalala sa yumaong Korean idol kasunod ng naturang hakbang ng Meta sa kaniyang account.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Moonbin’s instagram account has been memorialized, 😭” anang page kalakip ang dalawang larawan ng dashboard ni Moonbin sa naturang platform.

Mababasa rin ang abiso ng Instagram sa naturang account.

“This account has been memorialised. Memorialized accounts are a place to remember and celebrate someone’s life after they’ve passed away.”

Sa parehong post ay bakas pa rin ang naluluksang fans ng idol, lalo na ng masugid na Pinoy fans.

“Still painful, lalo na his last photo uploaded sa IG is him smiling. Sheesh nakakamiss tawa at ngiti niya sa mga shows,☹️” anang isang fan.

“Rest in peace Moonbin.”

“Masakit pa din until now Moonbin koo, 😭

“I missyou so much langga, i hope your doing great sa taas.”

“Di naman nya ako fan talaga like dumadaan lang sya sa fyp ko noon pero grabe, ang hirap pa rin mag-move on, MoonBin!💔

“Miss you, binnie!”

“This made it all too real for me😭💔

“It really hurts....🥹hanggang alaala nalang talaga...😭

“Don't forget him.”

Umabot sa mahigit 22,000 reactions ang inani ng post sa pag-uulat.

Matatandaang ikinagulat ng K-pop world ang ulat matapos matagpuang wala nang buhay ang K-pop idol sa kaniyang tahanan sa Gangnam-gu, Seoul dakong alas-8:10 ng gabi, Abril 19 sa South Korea.

Siya ay 24-anyos.