Hindi pa tiyak ng tinaguriang "The Magician" sa larangan ng bilyar na si Efren "Bata" Reyes, Jr. kung sasali muli sa susunod na Southeast Asian (SEA) Games.

Ito ay matapos matanggal sa kontensyon sa pagpapatuloy ng 32nd SEA Games sa Cambodia.

“Hindi ko alam,” pahayag ni Reyes sa panayam sa telebisyon nitong Miyerkules.

Binanggit din nito na bibigyan niya ng pagkakataong maglaro ang mga batang Pinoy na papalit sa kanya.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Si Reyes ay pinataob ng naturalized player ng Cambodia na si Woo Donghoon sa Round of 16 ngmen's 3-cushion carom singles event nitong Martes.

Huling nanalo sa SEA Games si Reyes noong 2019 matapos payukuin ang Thailander na si Thongchai Punyawee sa kanilang laban sa Manila Hotel.