Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng kulungan sa bansa na tiyaking bakunado laban sa Covid-19 ang mga bilanggo gayundin ang mga kawani ng kulungan.

Ginawa ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang pahayag kasunod ng napaulat na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, City.

“Ang pinaka-mahirap talaga na ating masasabi para maiwasan natin ang pagkakasakit sa mga congregate natin, unang-una na diyan yung bakuna,” ani Vergeire sa isang press briefing nitong Martes, Mayo 9.

“Kailangan lahat ng inmates natin ay bakunado, pati na rin yung mga empleyado na nagtatrabaho doon sa ating mga prisons,” dagdag niya.

National

VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya

Binigyang-diin din ni Vergeire ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng sakit.

“Kailangan magsusuot din tayo ng masks lalong-lalo na kung minsan ang pagbabago ay sa iba't ibang bahagi ng prison cells,” aniya.

“Kailangan magkaroon ng dagdag na proteksyon ang ating mga inmates even our employees there -- that we can be able to give them masks so that they can be prevented [from having] the impeksyon," dagdag niya.

Ang pagsusuri ay isa ring mahalagang kasangkapan sa mga pasilidad ng kulungan upang agad na maihiwalay ang mga natukoy na may sakit at maputol ang transmission, ani Vergeire.

Tiniyak naman ni Vergeire na iniimbestigahan na ng DOH ang napaulat na clustering ng mga kaso sa NBP.

Kamakailan, iniulat ng NBP na 75 sa mga preso nito ang na-isolate matapos silang masuring positibo sa Covid-19. Gayundin, pitong tauhan ng NBP ang nagkasakit ng viral disease.

Analou de Vera