Matapos magtagumpay sa unang laban kontra Cambodia nitong Martes, yumuko naman angPhilippine women’s volleyball teamsa matapos kalabanin ng Vietnam sa32nd Southeast Asian (SEA) Games sa Indoor Olympic Stadium sa Phnom Penh, Cambodia, nitong Miyerkules.

Hindi na nahabol ng Philippine team ang Vietnam, 25-25, 17-25, 19-25, kaya nalaglag ito sa 1-1 slate sa Group B.

Naging malinis naman ang rekord ng Vietnam sa hawak na 2-0.

Dahil dito, pasok na sa susunod na round ang Vietnam.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Kailangang matalo ng National squad ang Singapore upang mapabilang ito sa crossover semifinals.

Taglay ng Singapore ang 1-0 record.

Nasira ang diskarte ng Philippine team matapos ang sunud-sunod na attack error hanggang sa tuluyan na silang matalo ng Vietnam.