Tila mas tataas pa ang mga papremyong naghihintay sa mga lotto player matapos hindi mapanalunan ang ₱209M jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 at ₱29M ng Grand Lotto 6/55 nitong Miyerkules ng gabi. 

Sa official draw results ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning combination (07-05-02-25-41-15) ng Mega Lotto 6/45 na may kaakibat na ₱209,772,953,60. 

May 121 na lucky bettor naman ang nanalo ng tig-₱32,000 bilang second prize.

Wala ring nanalo sa Grand Lotto 6/55 na may winning combination na 42-17-06-08-12-04 at jackpot prize na ₱29,700,000.00.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Gayunman, may 33 lucky bettors ang nanalo ng tig-₱100,000 sa second prize.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang ang Grand Lotto 6/55 ay tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

May be an image of ticket stub and text