Lingid sa kaalaman ng marami na una na pa lang sumalang sa parehong kompetisyon ang tubong General Santos na si Lyka Estrella noong 2017 kung saan una siyang nabigong makausad.

Matapos ang anim na taon ay pangmalakasang resbak at naipanalo na nga sa wakas ni Lyka ang mailap na titulo.

Para sa Grand Star Dreamer at kapwa Kapamilya champion na si Laarni Lozada, “God’s perfect time” ang pagpanalo ni Lyka nitong weekend.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

“[Noong] 2017, when I heard this lady performing my original song "Kung Iniibig Ka Niya" composed by Mr Vehnee Saturno on It's Showtime Tawag Ng Tanghalan , doon pa lang I knew she was born to be a star! Though she didn't make it that time, now, 6 years later, she absolutely made a great comeback!!! ❤️” mababasa sa post ni Laarni noong Linggo.

Basahin: Newest Tawag ng Tanghalan champ Lyka Estrella, emosyonal nang a-meet si Songbird – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa original video ng unang performance ni Lyka sa YouTube, mababasa rin ang inspired na netizens para sa tagumpay ng bagong star-in-the-making.

“She’s the Grand Champion of TNT ibigay talaga ni lord sayo pag sa tamang panahon congrats! Lyka❤👏🙌” komento ng isang netizen.

“Noon pa man magaling na sya ❤ngayon talagang hinog na hinog na yung boses nya 💖Lyka for the win!!!”

“At ngayon, siya na Grand Winner ng Season 6! Congrats Lyka! ❤

“You are meant to be a Grand Champion, 6 years in the making 👏👏👏

“Congrats Lyka Estrella..😍😍😍 After 6 years..achieved na ang dream😊😊😊

“In God's perfect timing❤ Congrats Lyka!”

“Congrats!! Grand champion TNT !!! Galing sobra!”

“Now YOU ARE THE CHAMP. Been 6 yrs too❤❤❤❤🎉🎉🎉 Congrats Lyka!”

Maging si Laarni ay tila nag-fangirl din sa newest Kapamilya champ.

“Neneng nene ka pa dito. We we're rooting for you here. . and now you made it! proud of you! nasa labas ang totoong laban kaya galingan at tibayan mo lang loob mo and palagi mo isama si Lord sa mga ginagawa mo. We love you, inday. ♥️

Congrats good luck sa’yong journey, Lyka!