Papalo na sa ₱110 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na nakatakdang bolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Martes ng gabi, Mayo 9.

Ayon sa PCSO, hindi lang ₱110 milyon ang naghihintay sa mga lotto players kundi may naghihintay ding ₱15.8 milyon sa Super Lotto 6/49, at ₱40 milyon sa Lotto 6/42, base ito sa jackpot estimates ng PCSO.

"Imbes na mag-marites, maglaan ka ng bente panglaro ng lotto sa darating na Martes! Triple kasi ang pagkakataon mong makamit ang pinapangarap mong jackpot sa mga #PCSOLottoGames," saad ng ahensya. 

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto, dahil sa halagang ₱20 lang ay may pagkakataong nang maging lotto millionaire, at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes, at Linggo.