Ibinahagi ng singer at estranged husband ni Moira Dela Torre na si Jason Hernandez ang panibago niyang "hugot" tungkol sa pagmo-move on.
Makikita sa kaniyang Instagram story ang tila pagja-jogging ni Jason habang nasa isang kalsada sa Hawaii kung saan siya naroon ngayon, at makikita ang mga kabundukang nagyeyelo.
"Gano pa ba kalayo ang tatakbuhin para maka-move on na sayo? Jk," mababasa sa text caption ng kaniyang video.

Kaya ang tanong, para nga ba ito kay Moira o sa iba na?
Samantala, si Moira naman ay nagbura ng kaniyang mga post sa Instagram.
Bahagi rin kaya ito ng pagmo-move on ni Moira?
