Loud and proud na flinex ni Joaquin Domagoso ang kaniyang anak na si Scott sa social media.

Nitong Lunes, ibinahagi ng actor ang ilang larawan ng anak nila ng kaniyang girlfriend na si Raffa Castro.

"Baby ko si kulot, inaalis n'ya ang aking lungkot-- Dada loves you," caption ni Joaquin sa kaniyang Instagram post.

Umani ng mga papuri ang nasabing post dahil napaka cute nga naman ni Baby Scott.

Joaquin Domagoso sa pagiging ama: 'Natakot ako kasi who am I? I'm so young'

Noong Pebrero, inamin ni Joaquin na nakaramdam siya ng takot at pressure sa pagiging ama.

“Una po hindi ko po siya nafi-feel as in sa akin lang natutuwa lang po talaga. In my mind I was so happy I’m gonna be a dad pero yung pressure as in nandoon na talaga, I only realized like eight or nine months. Grabe the responsibility is different yung talagang iiyak na ako,” aniya sa kaniyang panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Nang tanungin kung natakot ba siya, “Natakot po ako kasi who am I? Like I’m so young and anong mabibigay ko sa anak ko at this age and anong mangyayari sa career…”

Matatandaang isiniwalat mismo ni Isko na magiging ama na si Joaquin noong Hulyo 2022.