Walang pinalad na manalo ng mahigit ₱196 milyon jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Mayo 8.. 

Sa inilabas na draw results ng PCSO, walang nakahula sa 04-44-25-40-26-42 na winning combination ng nasabing lotto game na may kaakibat na ₱196,065,312.40 na premyo. 

Inaasahan na mas tataas pa ang nasabing premyo sa susunod na draw.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola kada Lunes, Miyerkules at Biyernes. 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Samantala, wala ring pinalad na manalo sa ₱29,700,000 jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na may winning combination na 43-14-01-15-33-45.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.