Hindi pinalampas ni former child actress Xyriel Manabat ang pambabash sa kaniya matapos may magkomento sa kaniyang litrato na "May hair ang armpit".

Sa Instagram post ng aktres para sa Metro Body Start Magic hot summer 2023, nagpasabog ng alindog ang aktres kalakip ang mga larawang siya'y naka body suit.

MAKI-BALITA: Vavavoom! Xyriel Manabat nagsabog ng alindog

Ngunit hindi nakaligtas sa isang netizen ang isang larawan. Anito na "May hair ang armpit".

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Hindi na hinayaan ng aktres na siya'y bastusin kaya naman sinagot niya agad ito ng, "Uhmm coz tao ako? So what about it?"

Matatandaang inamin ng aktres na siya'y dumaan sa therapy dahil sa mga samu't saring malaswang komento ang kaniyang natatangap sa social media.

Aniya, “Hindi po ako napa-flatter sa ibang comments kasi 'yung iba po below-the-belt and sana alam nila na sexual harassment is never okay po. Hindi po siya fine.

“Sana, minor man, girl or boy, ano mang age, gender, suot, sana po walang ganung kasi never po siya nakakatulong lalo na sa ganitong sitwasyon, sa pandemic. Madami pong pinagdadaanan na mental health problems. 'Wag na pong sumabay. Respect lang po.”