Tila humanga ang social media personality na si Xian Gaza sa vlogger na si Whamos Cruz dahil sa kung paano ito humawak ng pera.

"Whamoscruz nawa'y tularan kayo ng ibang influencers at mag-travel din sila ng mag-travel kaysa mapunta lang yung milyones nila sa mga walang kwentang bagay," saan ni Xian sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Mayo 8.

Makikita sa post ang screenshot ng pag-uusap nila ni Whamos. Sa unang screenshot, sinabi ni Xian na nakikita niya ang sarili niya kay Whamos. Kaya naman pinayuhan niya rin ito.

"Napanood ko just now yung video mo sa Hong Kong at tuwang-tuwa ka sa pera nila. Medyo teary-eyed ako kasi nakita ko yung sarili ko sayo 13 years ago. Kumpare, mag-travel kayo ng mag-travel ni Kumare at ng inaanak ko. Ubusin niyo ang pera niyo kaka-travel as a family. Madarama mo ang tunay na kaligayahan maniwala ka sa akin. Mas lalawak yung pananaw mo sa buhay. Mas makakaisip ka ng mga inenegosyo sa Pinas. Mas gaganda ang takbo ng iyong pag-iisip. Mas magiging malupit ang iyong pagkatao. Mare-realize mo na napakalaki pala ng mundo para manatili ka sa iisang bansa. Enjoy your time with your family, Kumpare. God bless you."

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sagot naman ni Whamos na magkikita rin sila ni Xian at sinabing ginagawa niya talaga iyon para sa pamilya.

"Ginagawa ko talaga to para sa family ko at auko din naman ubusin yung pera namen sa kung san san mas ok maubos din ang pera sa sariling pamilya," sey ni Whamos. 

Pinuri naman ni Xian ang vlogger, "Isa kang mabuting asawa at Padre de Familia. Diyan ako sobrang hanga sayo kasi ayan yung isang bagay na hindi ko kaya. Stay happy with your family."

Kasalukuyang nasa Hong Kong sina Whamos at Antonette Gail kasama ang kanilang baby na si Meteor.