Sa naganap na “Ang Larawan: the Concert” nitong Mayo 6, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakitang gilas ang Kapuso aktres na si Bea Alonzo kasama ang iba pang mahuhusay na aktor sa industriya.

Sa kaniyang Instagram account noong Linggo, kalakip ang kaniyang mga paboritong sandali bilang "Elsa Montes" makikita ang aktres na nakasuot ng vintage blue dress habang nagpe-perform sa entablado na isang musical na ginanap sa Manila Metropolitan Theater.

“In my theater era. I truly enjoyed performing on stage last night for the first time with the best people in the industry,” aniya sa caption.

Humanga ang mga tao dahil sa tinatagong angking galing ni Bea sa pagkanta, maging ang ilang kapwa celebrities na sina Dimples Romana, Julie Anne San Jose, Markki Stroem at Kakai Bautista ay pinuri ang aktres sa acting milestone nito.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Nagpaabot ng pasasalamat ang aktres sa mga sumuporta, maging ang paghanga ni Bea sa pangangalaga sa kulturang Pilipino ay kaniyang ipinagpasalamat..

“I greatly respect everything they do to preserve the Philippines’ culture and arts."

Ang “Ang Larawan: The Concert” ay bahagi ng isang taon na pagdiriwang ng "The Order of National Artists of the Philippines". Ito ay ginawa nina Girlie Rodis at Aaron Velasco, kasama si Ryan Cayabyab bilang musical director. Kasama ni Bea sa cast ang mga beteranong aktor na sina Mitch Valdez, Bituin Escalante. at Nonie Buencamino.

Ang concert ay batay sa isang 2017 musical film na may parehong pamagat, at pinagbidahan nina Joanna Ampil, Rachel Alejandro, at Paulo Avelino.