SwimMing-ming? 🐈

Marami ang namangha at naaliw sa post ng netizen na si Laiza Mae Dordas, 21, mula sa Koronadal City, tampok ang kaniyang baby cat na tila expert umano kung lumangoy sa dagat.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Dordas na stray cat si Minmin sa pinagtatrabahuhan ng kaniyang kuya at isang buwan na ang nakalilipas nang kupkupin nila ito.

“Sobrang bait po niya noong dinadala siya ng kuya ko sa’kin kaya mahal na mahal ko po ito. Hindi po siya maldita.”

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Nitong buwan ng Mayo naman daw nang mapagpasiyahan nila ng kaniyang asawa na mag-bonding sa dagat. Hindi naman daw niya maiwan si Minmin dahil talagang hindi ito sanay na wala siya sa tabi nito.

Pagdating nila sa dagat, kita raw kay Minmin na noong una ay natatakot ito. 

“‘Yung tent namin sinadya ko talaga dun sa tabi ng dagat para masanay siya. Kinaumagahan paggising namn, pinakawalan ko lang siya, binabantayan tas maya-maya pumunta siya sa tubig naglalaro sa alon,” kuwento ni Dordas.

Nang maramdamang nagiging komportable na si Minmin sa tubig, sinubukan na raw niya itong dalhin sa ilalim na bahagi ng dagat.

“Binitawan ko at nagulat nga po ako na marunong pala siya lumangoy,” aniya. “Happy po siya sobra.”

Sobrang na-proud daw si Dordas sa ipinamalas na kaniyang baby cat kaya’t ipinost niya ito sa Facebook group ng CATS & KITTENS Philippines, at sa ngayon ay umabot na ito ng mahigit 3,600 reactions, 227 comments, at 117 shares.

Komento ng netizens:

“Wow she is so brave,” komento ng isang netizen.

“Buti pa pusa marunong lumangoy kahit hindi mag swimming lesson,” hirit naman ng isa.

“Buti pa si mingming nakapagbeach na.. 🥹,” saad ng isa pa.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!