Umakyat ng bundok o mountain hiking ang celebrities-TV hosts na sina Alex Gonzaga at Melai Cantiveros, subalit magkaibang bundok at lugar nga lamang.

Batay sa Instagram post ni Alex, kasama niya ang mga magulang na sina Pinty at Bonoy Gonzaga nang umakyat sa Mt. Ulap sa Itogon, Benguet.

"Beautiful peak of Mt. Ulap. Pero talagang lulang-lula na ako bakit ko ba 'to naisip gawin," caption ni Alex sa kaniyang Instagram post.

Alex Gonzaga at Melai Cantiveros, parehong 'namundok'

Nagkomento naman dito si Momshie Melai na nasa Mt. 360 naman sa Tanay, Rizal.

"Hahhahahahahahhah congrats als uulit ka pa n'yan at maaadik ka n'yan," ani Melai.

Samantala, ibinahagi naman ni Melai ang mga litrato habang nasa tuktok ng bundok.

"Nagpa-attendance na naman po tayo sa Bundok. Nakalanghap na naman pod tayu ng masarap ng hangin. At napawisan na naman po tayo nang bongga," caption ni Melai.

Going back to Alex, bagama't marami sa mga netizen ang natuwa sa kaniyang hiking at napa-sana all, isang basher naman ang nagkomento at nagsabing huwag na raw sana maisipang bumaba ni Alex sa kalunsuran.

"Huwag ka ng bumaba..diyan ka na lang," sey ng netizen.

Isang netizen naman ang sumegunda, "Sinabi mo pa 😂😂😂."

Screengrab mula sa IG ni Alex Gonzaga

Hindi naman ito pinatulan ni Alex at hindi sinagot.