Usap-usapan ngayon ang naging hosting sa naganap na Miss Universe Philippines National Costume 2023 noong Mayo 4, 2023 nina Miss Universe Philippines Gazini Ganados at hunk actor Marco Gumabao dahil sa ilang mga pagkakamali.

Pinintasan ng mga netizen ang hosting ng dalawa dahil sa ilang mga pagkakamali sa pag-anunsyo ng mga nagwagi lalo na sa "Tingog ng Filipina," lalo na sa kandidata ng Eastern Samar, na binigkas ni Gazini bilang "Eastern Visayas."

“Sorry, Eastern Samar. Sorry,” pagtatama ni Marco.

Pero pagdepensa ni Gazini sa kaniyang tweet, ipinakita niyang ang nakalagay sa papel na ipinasa sa kanila ay "Eastern Visayas" at binasa lamang niya ang nakalagay rito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Mga marites ng taon! To be fair Eastern Visayas naman talaga nilagay. Luhhh," aniya.

Bukod dito, kapansin-pansin din daw ang dead air sa ilang mga bahagi, na parang hindi raw alam ng dalawa ang sasabihin, o parang kulang daw sila sa praktis.

Sa kabilang banda, hindi rin daw nagustuhan ng marami ang ginawang pag-cut ni Marco sa sasabihin ni Gazini sa isang portion kung saan tila nagpapaalam na si Gazini, samantalang hindi pa raw naanunsyo ang top 3 sa National Costume na siyang highlight ng event. Sana raw, kahit marami nang pagkakamali si Gazini, naging maayos pa rin ang pagtatama rito ni Marco. Kapansin-pansin din umano na tila "nasasapawan" ni Marco si Gazini at tila nakakalimutang may co-host siya.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Nag-rehearse ba hosts ng MUPh NatCos Competition? Anyare?"

"Our forever and always ‘Lutang Queen’ the one and only Gazini Ganados from Miss Universe 2019 Competition to Miss Universe Philippines 2023 National Costume Competition. HAHAHA dai, ang ganda mo!”

"The hosts especially Gazini should practice more. This is more (of) constructive criticism."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Marco at Gazini tungkol dito.