Goal mo bang pumuti at magkaroon ng mala-"glass skin" kagaya sa mga napapanood mong Korean superstars sa K-dramas?

Nagdulot ng aliw at katatawanan sa social media ang isang meme patungkol dito, na ibinahagi ng social media page at itinampok din sa Balita.

"Tsaka mo nako artehan kapag glass skin kana din tulad ni ate 😅,” mababasa sa caption sa Facebook page na “Tom Sawyer memes.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Tawang-tawa ang mga netizen dahil plakadong-plakado raw ang pagkaka-glass skin ni Ateng sa litrato (na hindi naman ibinigay ang pagkakakilanlan), na anytime daw ay puwedeng mabasag kung matutumba siya.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na mababasa sa comment section ng Balita.

"Madaling inachieve 'yan pero need mo talaga magpayong at matinding retouch ng sunblock."

"Ay iba rin ang pa-glass skin ni ateng hahaha, the design is very babasagin."

"The design is very mannequin na hahaha."

"The design is nagmukha na siyang figurine."

"Akala ko yung kalaban sa Mazinger Z hahaha."

"Figurine yarn? Yan yung di pedeng maarawan for sure para syang naaagnas na buhay."

"Ito ay yung literal na 'Di makabasag-pinggan!"

Umabot na sa 402 shares, 2.2k reactions, at 764 comments ang naturang post sa Balita.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!