Ibinahagi ni Kapuso star Jennylyn Mercado ang Christening o binyag ng kanilang anak ng partner at kapwa Kapuso star na si Dennis Trillo sa social media.

Natuwa ang kaniyang fans dahil muli nilang nakita ang kanilang idolo, lalo't hindi pa ito bumabalik sa limelight at ineenjoy ang kaniyang motherhood.

View this post on Instagram

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kapansin-pansin din ang pananatili ng slim body ni Jennylyn na minsan nang itinanghal na "sexiest woman" ng isang male magazine.

Kaya naman, marami ang "napataas-kilay" sa meme na ibinahagi ni Jen sa Instagram story tungkol sa "katabaan."

"Friend: 'Ang taba-taba mo na.'"

"Me: 'Masyado ka nang maraming nalalaman'," at ang background ay pagkasa ng baril.

Screengrab mula sa IG story ni Jennylyn Mercado

Hindi naman tiyak kung may nagkomento ba kay Jen nang ganito kaya naibahagi niya ang naturang meme.

Pero sey naman ng netizens, natatabaan na ba si Jennylyn sa sarili niya gayong ang slim-slim niya? Napakomento ang ilan sa comment section ng Fashion Pulis.

"Seryoso, may natatabaan talaga sa kanya?"

"Hindi ka naman mataba jusko gusto ba nila buto-buto ka para matawag na payat. Kumain ka lalo na kung nag-breastfeed ka."

"Ay Diyos ko kung mataba si Jennylyn ano pa ako? Lumba lumba?"

"Mataba na ba ganyan. Grabehan paano na lang yung iba. Kakahiya naman sa kanila."

"Natawa ako sa post n'ya. I think nakita lang n'ya 'yan at natawa din s'ya kaya n'ya pinost."