Winelcome ng mga Kapuso ang Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria para sa promotion ng teleseryeng "Unbreak My Heart," ang kauna-unahan at makasaysayang collaboration ng GMA Network, ABS-CBN, Dreamscape Entertainment, at Viu Philippines.

Makikita sa Instagram page ng GMA Network ang pagtapak ni Jodi sa gusali, na sinalubong naman ng mga Kapuso employees.

"It's giving me goosebumps!" saad ni Jodi.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sinalubong siya ng kapwa Unbreak My Heart star na si Gabbi Garcia.

"Nakadalaw na rin ako sa bahay n'yo!" sabi ni Jodi kay Gabbi.

Inaasahan ding tatapak sa GMA building ang isa pang Kapamilya star na si Joshua Garcia na kabilang din sa proyekto.

Mapapanood na umano ang Unbreak My Heart ngayong Mayo.