Ipinagmamalaki ni Darryl Yap si Juliana Segovia dahil kahit na may sariling sasakyan, condo, at munting negosyo ito ay pinipili pa rin nitong tumulong sa kaniyang nanay na nagtitinda ng pares sa Pasay.

Sa isang Facebook post inihayag ni Darryl ang kaniyang paghanga kay Juliana. Aniya, kaunting patak ng ulan ay uuwi ng Pasay si Juliana para palitan ang nanay nito sa pagtitinda ng pares dahil ayaw mawalan ng benta.

"may sariling sasakyan,may sariling condo, may sariling munting negosyo…pero konting patak ng ulan, uuwi ng Pasay para palitan ang makulit na Nanay na ayaw sumilong dahil ayaw mawalan ng benta," ani Darryl.

"Iba yung sanay sa hirap, hindi takot sa trabaho…ang tanging kinatatakutan ay maghirap ang mga mahal sa buhay. pinakuhanan ko siya ng litrato sa driver nya, kasi pinili nyang wag magshoot ng content at kumita—masigurado lang nyang di maulanan ang nanay niya," dagdag pa niya.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Pagbabahagi pa ng kontrobersyal na direktor na natikman na niya ang ibinebentang pares nina Juliana.

"Natikman ko rin ang binenta nilang Pares,sobrang lambot—dapat lang! sa isang gaya nyang walang ngipin, DAPAT LANG! pero mas malambot pa rin ang puso mo laban sa lahat ng karneng pinagpupuyatan nyong ibenta."

Sa huling bahagi ng kaniyang post, sinabi niyang mahal at ipinagmamalaki niya si Juliana.

Samantala, umani naman ng mga magagandang komento mula sa netizens ang nasabing post ni Darryl.

"Mabuhay ka.. willing akong mag schedule para tumulong magbenta. (walang joke Yan ha. ) Alam ko Ang pakiramdam nyan Kase Yan din Ang dati naming hanapbuhay."

"a person most of us should emulate❤️continue lang po para sa kinabukasan👍🏼🙏🏼God blessJuliana Parizcova Segovia."

"Isa kang huwaran madamJuliana Parizcova! Dalaw kami dyan sa pwesto ng nanay mo soon!💚"

"Malalaman mo talaga na may magandang kalooban ang Isang tao pag Nakita mo kung gaano nya kamahal ang magulang nya😊"

"A perfect example of a true woman. Will do everything for her family. I couldn't be prouder of you Ate Juliana❤️❤️❤️"

"One of your best posts, Direk! Salute and respect to Juliana!💯"

"Iba tlga kpg nkatapak pa dn ang mga paa sa lupa..always be humble..and always love ur parents..proud of u juliana..idol.."