Masayang sinalubong ng ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime” ang pinaka-bagong girl group na “Baby Dolls,” Lunes, Mayo 8.
Ang nasabing girl group ay binubuo ng siyam na miyembro na sina Chole, Kim, Ina, Juby, Eriel, Arianne, Jelai, Johaira, at Mary Delle, na pawang galing sa “Sexy Babe” at “Girl on Fire” segments ng noontime show.
Sa panayam ng hosts sa grupo, sinabi ni Baby Doll Mary Delle na overwhelmed sila na bahagi na sila ng “Showtime” family.
“Siyempre sobrang excited kami when we first started here sa rehearsals, and we are all overwhelmed, grateful tsaka very flattered kasi madaming mga babae ‘tas kami yung napili dito with these very beautiful and talented ladies as well,” lahad niya.
Inaasahan naman ng netizens na magaganda ang performances na ibibigay ng grupo sa madlang pipol bilang lahat ay tunay na dancers. Ito ang ilan sa tweets na nakalap ng Balita:
Mapapanood ang “It’s Showtime” tuwing Lunes hanggang Sabado, alas-dose ng tanghali sa lahat ng Kapamilya platforms.