Umakyat ng bundok o mountain hiking ang celebrities-TV hosts na sina Alex Gonzaga at Melai Cantiveros, subalit magkaibang bundok at lugar nga lamang.

Batay sa Instagram post ni Alex, kasama niya ang mga magulang na sina Pinty at Bonoy Gonzaga nang umakyat sa Mt. Ulap sa Itogon, Benguet.

"Beautiful peak of Mt. Ulap. Pero talagang lulang-lula na ako bakit ko ba 'to naisip gawin," caption ni Alex sa kaniyang Instagram post.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Nagkomento naman dito si Momshie Melai na nasa Mt. 360 naman sa Tanay, Rizal.

"Hahhahahahahahhah congrats als uulit ka pa n'yan at maaadik ka n'yan," ani Melai.

Samantala, ibinahagi naman ni Melai ang mga litrato habang nasa tuktok ng bundok.

"Nagpa-attendance na naman po tayo sa Bundok. Nakalanghap na naman pod tayu ng masarap ng hangin. At napawisan na naman po tayo nang bongga," caption ni Melai.

Hindi naman malinaw kung kasam ba niya ang mister na si Jason Francisco at mga anak na sina Mela at Stela.