Matapos ang halos isang taon, muling babalik sa Pilipinas ang Korean pop singer na si Park Bom para kaniyang kauna-unahang solo fan concert sa bansa.

Ayon sa anunsyo ng local organizer na Neuwave Events & Productions, ang “You & I” concert ni Bom ay gaganapin sa Hunyo 10, sa New Frontier Theater.

"The moment we've all been waiting for has finally arrived! #ParkBom is coming to Manila for her first-ever fan concert, and she's ready to show the world what a true queen is made of! Get ready to be dazzled by her stunning vocals and experience a night you'll never forget!"

https://twitter.com/neuwave_events/status/1655180918594899968?s=20

Politics

‘Ito ay malinaw na paghihiganti!' Makabayan bloc, pinalagan 'maleta issue' laban sa kanila

Wala pa namang pormal na anunsyo hinggil sa presyo ng ticket.

Ang concert ay magaganap isang linggo matapos ang concert din ng former co-member nitong si Minzy.

Si Bom ay dating miyembro ng K-pop girl group na 2NE1 sa ilalim ng YG Entertainment, kung saan nakasama nito sina Minzy, CL, at Sandara Park.