Lubos ang pasasalamat ni aktres at host na si Maine Mendoza sa kaniyang fans na sumuporta sa kaniya bilang "Stacy" sa television sitcom series ng GMA na "Daddy's Gurl."

"The Otogans are signing off. Thank you, Bossing. Thank you, DG fam. Grateful for many things. Thank You," anang aktres sa kaniyang Facebook account kalakip ang larawan niya kasama si Vic Sotto na gumanap bilang si Barak Otogan.

Ang Daddy's Gurl, na umere sa loob ng apat na taon ay nagtapos na nitong Sabado, Mayo 6.

"Maraming salamat sa apat na taon, mga Kapuso!Your daddy’s gurl, Stacy O," pagtatapos ng liham ni Maine sa kaniyang post.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kahit tapos na ang television series nitong Mayo 6, magkakaroon pa rin ng replay ng mga nakaraang episode sa Mayo 13 at 20.

Sa loob ng apat na taong pag-ere ng Daddy's Gurl, nagwagi ng mga parangal si Maine.

Taong 2019 nang parangalan ito bilang Pinaka-magiting na Personalidad ng Comedy Show in the 7th Kagitingan Awards for Television of the Bataan Peninsula State University at Best Comedy Actress ng Star Awards for Television.