CAMBODIA - Naiuwi ni Kim Mangrobang ang gintong medalya matapos magreyna sa women's duathlon sa Southeast Asian (SEA) Games nitong Linggo.
Isang oras at apat na minuto ang naitala ni Mangrobang upang mapanatili nito ang titulong napanalunan niya sa Vietnam noong 2022.
Pinayuko ni Mangrobang sinaThi Phuong Trinh Nguyen(Thailand) atMaharani Azhri Wahyuning (Indonesia) na nakakuha ng silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.
Nasa ikalimang puwesto naman ang teammate ni Mangrobang na si Kira Ellis.
Kristel Satumbaga-Villar