Umabot sa “danger” level ang heat index sa 15 lugar sa bansa nitong Linggo, Mayo 7, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, nagkaroon ng mapanganib na heat index sa Dipolog, Zamboanga del Norte (45°C); Daet, Camarines Norte (44°C); Legazpi City, Albay (44°C); Zamboanga City, Zamboanga del Sur (44°C); Aparri, Cagayan (43°C); Iba, Zambales (43°C); Infanta, Quezon (43°C); Masbate City, Masbate (43°C); Roxas City, Capiz (43°C); Catarman, Northern Samar (42°C); Dagupan City, Pangasinan (42°C); Laoag City, Ilocos Norte (42°C); Ninoy Aquino International Airport, Pasay City (42°C); San Jose, Occidental Mindoro (42°C); at Sinait, Ilocos Sur (42°C).

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaari umanong malagay sa “danger” level ang mga heat index na mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion”.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.

Dahil sa init ng panahon, ipinahayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel kamakailan na dapat maglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng direktiba na naglalayong bigyan ng ‘work break’ ang outdoor workers tuwing mataas ang heat index sa kanilang lugar.

BASAHIN: ‘Work break’ tuwing mataas ang heat index, ipagkaloob sa outdoor workers – Pimentel