Tinatayang 99 pang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa bansang Sudan ang inaasahang makauuwi na sa Pilipinas ngayong Linggo ng gabi, Mayo 7, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon sa DMW, naghahanda na ito kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagsalubong sa 99 OFWs na inaasahang makakarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong 7:40 ng gabi sa pamamagitan ng Saudi Airlines.

“This will be the largest group of Filipinos to return home so far from the Sudan conflict,” saad ng DMW.

“Part of the returning 99 OFWs is this group of 41 OFWs who were billeted at the Maadi Hotel-Cairo posing before leaving for Jeddah and onwards to Manila,” dagdag nito.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'