Relate na relate ang netizens lalo na ang mga mommies sa mensahe ng aktres na si Candy Pangilinan sa anak nito na nakatulog habang nasa klase online.

Sa Facebook post ni Candy, sinabi nito na ipinadala ng guro ng kaniyang anak ang larawan na kung saan ay tila nahihimbing na sa tulog ito habang nasa kalagitnaan ng online class.

Aniya, "Pinadala sa akin ng teacher. He attended classes. Mas buking lang kung natutulog ka ngayon. Lalo na kung hihiga ka sa sofa at pinapa-quiet mo pa yung nang gigising sa iyo."

"Okay lang yan nak. Gusto mo naman mag class. Di mo lang kinaya," dagdag pa nito.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Ayon kay Candy, hindi pa man nagsisimula ang klase ay naka-log in na ang anak nito ngunit pagkapasok ng guro nito ay nakatulog na ang bata.

Aabot na sa 100K ang reactions ng nasabing post kung saan ay relate na relate ang netizens.

"may daughter also struggling sa school

sa umaga sa public school ksi ndi ko kaya siya paaralin sa private then sa hapon sa sped class… although minsan napapagod nko kakahatid sundo pero sa kakayanin ko super hyper and late speech so far this year nag improve ung speech nia specially sa pakikipag communicate at reading thankyou lord for giving me strength always for my daughter."

"Same din po mommy Candy Pangilinan ng son ko, madalas matulog s classroom pag mag activity na cla. School is life but tulog is lifer"

Ang ilan naman ay pinuri si Candy sa kung paano ito maging ina sa kaniyang anak:

"You're such a good mom to your Quentin."

"This is amazing..one way of educating parents na merong ganitong anak..sa mga comments may matututunan ka kasi nagsheshare ng mga experiences nila..Good job Quintin and Mommy Candy..God bless.you always."

"Kudos s mga parents na may mga anak n ganyan ang case…super parent/parents po kyo nasa inyo po ang lubos n pag hanga ko….. God bless you all po."