Taya na baka ikaw na ang susunod na instant milyonaryo!

Patuloy na hinihikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na tumaya na sa kanilang lotto games lalo't papalo na sa ₱180 milyon ang premyo sa Mega Lotto 6/45 na bobolahin ngayong Biyernes, Mayo 5.

Sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, papalo na sa mahigit ₱180 milyon ang premyo ng Mega Lotto 6/45 habang nasa ₱100 milyon naman ang Ultra Lotto 6/58.

"Big things start from small beginnings, ganyan din sa ating #PCSOLottoGames," anang PCSO.

Malaking bahagi ng kita ng PCSO mula sa kanilang mga palaro ay napupunta sa mga nangangailangan ng tulong.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyerneshabang ang Ultra Lotto 6/58 naman ay kada Martes, Biyernes at Linggo.