Nagkaroon kamakailan ang SM Supermalls ng kanilang pinakamalaking job fair na ginanap sa SMX Convention Center sa Maynila sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE) noong April 30 at May 1.
Sa 873 na mga kumpanya na lumahok, 14,956 job seekers na nagrehistro at 1,367 na mga aplikante na hired-on-the-spot, ang Job Fair ay nagbigay na pagkakataon para sa mga naghahanap ng trabaho na makakuha ng mga potensyal na employers. Ang mga job fair ay bilang suporta ng SM Supermalls sa gobyerno upang magbigay ng mga oportunidad na magkaroon ng hanapbuhay at para mabawasan na rin ang kawalan ng trabaho sa bansa.
Bilang opisyal na venue ng DOLE para sa mga job fairs sa buong bansa, ang 20 SM malls na lumahok ay ang SM Grand Central, SM Southmall, SM BF Paranaque, SM Sucat, SM Baguio, SM Marilao, SM Pampanga, SM Olongapo Central, SM Tuguegarao, SM Cabanatuan, SM CDO Downtown Premier, SM Davao, at SM San Jose del Monte. Ang LGUs at PESO ay ginanap din ang Job Fairs noong May 1 sa SM Marikina, SM Lipa, SM Roxas City, SM Puerto Princesa, at SM City Novaliches.
Para sa mga hindi nakahabol noong May 1, may mga magaganap na Job Fairs na bukas pa rin sa mga naghahanap ng trabaho, kabilang ang mga newly graduates, mga overseas Filipino workers (OFWs), at ang mga na-displaced mula sa kanilang mga trabaho dahil sa pandemya ng Covid-19, sa SM City Bacolod sa May 5 at 6 at SM Cherry Antipolo sa May 12. Ang isang mas malaking DOLE Job Fair ay inaasahan sa June 12 sa mas maraming SM Malls sa buong bansa.
Para sa karagdagang impormasyon at mga update, tingnan ang www.smsupermalls.com or i-follow ang @SMSupermalls sa social media.