Tila eksena sa pelikulang action ang pagdating ng action star-heartthrob na si Ian Veneracion nang dumating siya sa venue ng kasal nina Direk Cathy Garcia at partner na si Louie Sampana, sa isang beach wedding kahapon ng Miyerkules, Mayo 3.

Kinilig ang lahat sa ginawa ni Papa Ian matapos niyang mag-paragliding, at talaga namang napakakisig ng dating pagkalapag niya sa dalampasigan.

Agad siyang sinalubong nina Joross Gamboa at Jeffrey Tam upang alalayan nang lumapag na siya mula sa alapaap. Salamat sa Diyos at wala namang naganap na kahit na anong aberya, o hindi epic failed ang paandar na ito.

"Showering you with love and petals from the sky 🥰 Congratulations Direk Cathy and Brother Louie Louie Louie!" aniya sa caption.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Nagsaboy pa si Ian ng mga talulot ng bulaklak habang nasa himpapawid na kay romantikong tingnan, kaya napahiyaw ang mga kapwa guests na nanonood sa kaniya.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"You are a very good friend, sharing happy moments with Direk Cathy and her husband. You are very thoughtful."

"Tom Cruise ang arrival!"

"Grabe parang s'ya ang bida to the MAX 😂knowing direk Cathy my new ideas na naman 'yan for a new movie hit big time."

"Bakit ang guwapo pa rin!"

"Ahhh what a way to enter-frame Papa @ianveneracion1 iba ka talaga you always make the simple situation a very memorable one."

"Ay iba talaga magpakita ng love ang isang @ianveneracion1."

Samantala, sa naturang kasal ay pinag-usapan din ang pagkakasalo ni Kapamilya star Kathryn Bernardo sa bouquet na inihagis ni Direk Cathy; meaning to say, si Kath na ang susunod na ikakasal.

Naghatid naman ito ng kilig sa mga tao at kinantiyawan nila si Daniel, at ang sabi nito, "Bukas na bukas din!"