Maituturing na "life hacks" ang mababasa sa Facebook post ni "Maricris Soriano Hungriano" matapos niyang ibahagi ang kaniyang ginawa para mapakain ang pamangking si "JC," lalo na ng gulay.

Aniya, inilagay niya sa lalagyanan ng isang sikat na fast food chain na patok na patok sa mga bata, ang adobong sitaw na kaniyang iniluto.

Buong akala raw ng pamangkin ay binili ito sa naturang fast food chain!

"Darating ang panahon na malalaman mo rin na walang adobong sitaw sa Jollibee," anang tiyahin.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

"Excited kumain tuwang-tuwa may papalakpak pa."

Paliwanag ni Maricris, kapag pinapakain daw niya ng gulay ang pamangkin ay ayaw nitong kumain. Naisip daw niyang ilagay ito sa lalagyanang may tatak ng fast food chain upang ma-motivate itong kumain, at hindi nga siya nagkamali.

"Napakatamad kumain pero pag Jollibee may pa-talon pa," ani Mariciris.

Sey ng mga netizen, may natutuhan daw silang "life hacks" na puwede nilang gamitin sa mga anak o magiging anak nila.

Umabot na sa 18k shares ang naturang viral Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!