Ibinalita nitong Miyerkules, Mayo 3 na ang bagong presidente ng Lucio Tan Group, Inc. ay si Lucio Tan III, anak ng yumaong si Lucio "Bong" Tan, Jr.

Matapos ang halos isang dekada, pinalitan ng young Tan ang kaniyang tiyuhing si Michael Tan. Hindi na bago sa kompanya si Lucio Tan III dahil siya ang COO at Vice Chairman ng LT Group noong 2022.

Mula sa LT Group, Inc.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Siya rin ang naging President at COO ng Tanduay Distillers, Inc. simula pa noong 2019, at PAL Holdings Vice President noong 2021.

Sa pagbaba sa puwesto ni Michael Tan, ang LT Group, Inc. ay may P25.1 billion attributable net income noong 2022.

Tila "kinilig" naman ang mga netizen kay Tan III dahil para daw itong eksena sa teleserye o Korean drama.

"Jojowain po!"

"Wow, 'The Bachelor.' Single o married na po ba siya?"

"Parang kuwento sa Wattpad hahaha totoo rin pala 'yon?"

"Tagapagmana ng kompanya hahaha, I'm sure maraming nakapila!"

"Paano mag-apply? Haha."

"Congrats babe! Hahaha."

"Willing po ako maging kabit, charot."