Kinubra na ng isa sa mga nanalo sa Super Lotto 6/49 ang kalahati ng jackpot prize na may halagang₱33,643, 692.60 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Marso 21, 2023.

Kahati ng lucky bettor mula sa Pasay ang isang winner na mula naman sa San Mateo Rizal.

Matagumpay nilang nahulaan ang winning combination na 12-29-35-34-13-08.

Sa panayam ng PCSO, gagamitin ng lucky winner ang perang napanalunan sa pangbabayad ng utang at pang negosyo.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

"Ito po ay malaking pagbabago sa aming buhay. Maraming salamat una kay Lord para sa blessing na ito, at pangalawa sa PCSO dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi po ako mananalo. Sana po ay marami pa kayong matulungan na kagaya naming mahihirap," anang lucky winer.

Dagdag pa nito, mahigit dalawang dekada na rin siyang tumataya ng lotto.

Samantala, pinasalamatan ni PCSO Gen. Manager Melquiades Robles ang lotto player sa pagtangkilik sa lotto games.