Lubos ang pasasalamat ng Kapamilya aktres na si Alexa Ilacad sa mga sumuporta sa kanila kaniyang loveteam na si KD Estrada sa "Walang Aray.”

Ang "Walang Aray" ay adaptation ng classic zarzuela na Walang Sugat na isinulat ni Severino Reyes noong 1898.

Matatandaang inamin nina KD at Alexa sa media launch ng Walang Aray noong November 28, 2022, na nakakapanibago ang project dahil ibang-iba raw ito sa kanilang pag-arte sa telebisyon

Sa kaniyang Instagram post, anang aktres "Go where you feel most alive. Julia, you have made me believe that I am capable of anything. Portraying you has sparked something in me that I cannot explain. You will continue to live in my heart forever."

National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Pagbabahagi pa nga niya noong una umano na inihain ang proyekto sa kaniya, agad siyang tumanggi dahil masyado itong malayo sa kaniyang nakasanayan.

"The first time #PETAWalangAray was offered to me, I said no. So many doubts in my head: It’s beyond my comfort zone. Can I crossover from doing TV & movies to being the lead in a 2-hour theater musical production?

"I can’t sing 14 songs live & I’m no belter! Tickets aren’t cheap. Will people troop to the Peta theater to watch, especially coming from the pandemic?"

Nagpasalamat rin sa Diyos ang aktres dahil nagtiwala pa rin sa kaniya ang direktor at ibang staff sa Star Magic.

"Thank God Direk Lauren did not take no for an answer. He, Mama Joy & kuya Nick of Star Magic convinced me that I can do it. When I took the plunge, dove into the grueling rehearsals, I almost quit."

At syempre hindi naman mawawala ang pasasalamat sa kaniyang partner na si KD.

"And to my Tenyong, Tenny, Tennesse, KD, you are the best partner I could ever ask for. My heart beams of proudness when I look at you." anang aktres sa caption.