Tinatayang 42% ng mga Pinoy sa bansa ang naniniwalang dapat gawin lamang “optional” ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Senior High School, ayon sa Social Weather Station (SWS) nitong Huwebes, Mayo 4.

Sa inilabas na survery ng SWS, 35% naman umano ang nagsabing dapat gawing cumpolsary o “sapilitang kurso” ang ROTC, habang 22% ang naniniwalang dapat hindi ito isama sa curriculum ng mga estudyante.

Isinagawa ng SWS ang First Quarter 2023 SWS survey mula Marso 26 hanggang 29, 2022, sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, at may sampling error margin na ±2.8%.

Ayon pa sa survey, mayorya (46%) umano sa mga respondente sa National Capital Region (NCR) ang naniniwalang dapat gawing optional lamang ang ROTC. Sinundan ito ng mga naniniwalang dapat gawin itong compulsory (29%), at pinakamababa ang mga nagsabing dapat hindi ito isama sa curriculum (25%). 

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pagdating sa mga respondente sa Balance Luzon, 47% ang nasabing dapat gawing optional lamang ang ROTC, 32% ang nagsabing dapat gawin itong compulsory, habang 21% ang nagsabing dapat hindi ito isama sa curriculum.

Pinakamarami (46%) naman sa mga respondente sa Visayas ang nagsabing dapat gawing compulsory ang ROTC sa Senior High School. Sinundan ito ng mga respondenteng nagsabing dapat itong gawing optional lamang (28%), at ng mga nagsabing hindi dapat isama ang ROTC sa curriculum sa Senior High School (25%).

Samantala, pagdating sa Mindanao ay 42% umano ang nagsabing dapat gawing optional lamang para sa mga estudyante ang ROTC, 34% ang naniniwalang dapat itong gawing compulsory, habang 22% ang nagsabing dapat isama ang ROTC sa curriculum ng Senior High School.