Marami ang nagtataka kung bakit hindi nagpa-interview kay King of Talk Boy Abunda, ang dating senate president at isa sa mga haligi ng noontime show na "Eat Bulaga" na si Tito Sotto III, at sa halip ay nagtungo kina Nelson Canlas, MJ Marfori, at Cristy Fermin.

Ayon kay Ogie Diaz, hindi talaga nagpaunlak ng panayam si Tito Sen kay Tito Boy dahil pakiramdam daw ng TVJ ay pumabor ang mga tanong ng huli kay Mayor Bullet Jalosjos, chief finance officer ng TAPE Inc. Anak naman siya ng chairman ng TAPE Inc. na si Romeo Jalosjos.

Ito raw ang ipinarating ng impormante ni Ogie sa kaniya. Batay raw sa pagkakakilala ni Ogie kay Boy, kukunin daw nito ang magkabilang panig sa isang isyu subalit hindi na nga naganap ang panayam kay Tito Sen sa "Fast Talk with Boy Abunda."

"Choice daw ni Tito Sen na 'wag magpa-interview kay Kuya Boy. Iyon lang ang nakarating sa atin. Na feeling daw ng kampo ng TVJ, parang masyadong pabor ang mga tanong ni Kuya Boy kay Bullet. Parang before handa daw parang nag-usap si Bullet at si Kuya Boy," anang Ogie.

PBBM, may mensahe sa araw ng Immaculate Conception: 'Serving others with compassion and humility'

"Knowing Tito Boy, kukunin pa rin niya yung panig ng kabila, 'pag ayaw wala rin naman siyang magagawa."

Para kay Ogie, para sa kaniya ay wala siyang nakikitang mali sa ginawa ni Boy dahil naturalmenteng ang matatanong sa nakapanayam ay ang panig nga nito.

"Normal lang ho 'yon sa nag-iinterview na bago sumalang on cam ay kakausapin ka muna off cam. Normal po 'yon."

Matatandaang ilang araw matapos lumabas ang panayam ni Boy kay Bullet ay lumabas naman ang mga panayam ni Tito Sen kina Nelson, MJ, at Cristy.

Wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Tito Sen at Tito Boy kaugnay nito.