Natawa ang mga netizen sa naging linyahan ng karakter ni John Estrada sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" dahil parang updated at nagaganap daw talaga ito sa tunay na buhay ng aktor.

Matatandaang naging usap-usapan ang mga pasabog ng kaniyang misis na si Priscilla Meirelles tungkol sa mister at sa isang Cebuana influencer, na kalaunan ay naayos na raw ayon mismo sa kanilang dalawa.

Ibinahagi sa opisyal na Facebook page ng "iWantTFC" ang naging mga pahayag ni "Rigor," karakter ni John, na ayon sa mga netizen ay tila true-to-life na raw.

Sa istorya kasi ay "natukso" si Rigor at may nangyari sa kanila ng kasamahang pulis na ginagampanan ni Mercedes Cabral. Ang misis naman ni Rigor ay si Marites na ginagampanan naman ni Cherry Pie Picache.

John, pinaligaya si Priscilla sa pamamagitan ng doggie

"Nagsisisi ako sa maling nagawa ko. Natukso lang ako. Napilit. Ayokong saktan ang asawa ko," saad ng karakter ni John Estrada sa serye.

"Hindi niya dapat malaman ang nangyari. At ipinapangako ko, hindi na 'yun mauulit."

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, na mababasa sa comment section ng post.

"The design is very tunay na buhay."

"The design is very John Estrada."

"The design is very real and totoong buhay john! Isinadula lang ah hahaha."

"True to life?"

"Pati ba naman sa teleserye, John?"

Samantala, wala pang reaksiyon o tugon si John sa mga reaksiyon at pahayag ng netizens. Hindi pa rin siya nagsasalita tungkol sa naging isyu ng "marital problems" nila ni Priscilla.