Kinilig ang fans ng tambalang KathNiel nang kumalat sa Twitter ang spliced video clip na kuha mula sa reception ng kasal nina Direk Cathy Garcia at partner na si Louie Sampana na isang cinematographer.

Ilan sa mga dumalo sa naturang kasalan ay ang malalapit na kaibigan at alaga sa showbiz, kabilang ang magkatambal at magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Naispatan din sa kasal ang ilan sa cast members ng pelikulang "Hello Love Goodbye" na sina Joross Gamboa, Jeffrey Tam, at ang isa sa mga bidang si Alden Richards.

Present din sa seremonya ng pag-iisang dibdib na ginanap sa beach sina Janus Del Prado at Ian Veneracion.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kumakalat na video, makikitang si Kath ang nakasalo ng bouquet of flowers na inihagis ng bride. Kinantiyawan naman ng lahat ang boyfriend ni Kath na si Daniel.

"Dj, nakuha, pa'no ba 'yan? DJ!" sigaw ng isang lalaki, na ipinagpapalagay na si Jeffrey o si Joross.

"Bukas na bukas din," biro ni DJ, na nangangahulugang handa niyang pakasalan si Kath anytime.

"Dito na rin set-up natin," dagdag na hirit pa ni DJ.

https://twitter.com/jochendria/status/1653403900555440131?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1653403900555440131%7Ctwgr%5Ea0fbd1ac646450de3973fcd1532cc05081f48ed8%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fkami.com.ph%2Fentertainment%2Fcelebrities%2F153118-kathryn-bernardo-catches-bouquet-direk-cathys-wedding-daniel-padilla-reacts%2F

Bagama't matagal nang mag-jowa, wala pang balita kung kailan magaganap ang engagement o kasalan nila. Sa ngayon, magiging abala sila sa kani-kanilang proyekto na solo na sila at posibleng maipareha na sa iba.

Nabiyuda si Direk Cathy nang masawi sa isang vehicular accident ang unang mister na si Philip "Epoy" Molina habang nasa Baguio, noong 2009.