Ibinahagi ng Kapamilya actress-vlogger na si Ivana Alawi ang pagsha-shopping nilang mag-anak sa Europe, ayon sa kaniyang latest vlog.

Sa bandang dulo ng vlog, kuwelang ibinahagi ni Ivana na napabili siya ng mahal na alahas sa isang jewelry store dahil sa naispatan niyang guwapong "afam" na doorman sa naturang jewelry store.

Pero pag-amin ni Ivana, matagal na niyang gusto talagang bumili ng alahas, kahit na hindi talaga siya mahilig na mamili ng ganitong hiyas.

Pabiro niyang hirit, ang guwapong doorman daw sa jewelry store ang nag-inspire sa kaniya para bumili ng alahas. Makikita pa ang kuhang video kung saan sinabi ni Ivana na cute ang naturang doorman.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Oh 'di ba ang kapal ng mukha ko," kilig na kilig na sabi ni Ivana habang tumatawa naman ang kapatid na si Mona na siyang kumuha ng video.

"Pinaglalaban ko ang Pilipinas… nakukyutan lang ako sa kaniya pero hindi ko siya jojowain… aasawahin kasi gusto ko Pinoy," paglilinaw naman ng sexy actress-vlogger.

"Pero landi-landi, gano'n!" natatawang hirit pa ni Ivana.

"Gano'n po ako rito kasi hindi naman nila ako kilala. So malakas ang loob kong lumandi…"

Muling pinagdiinan ni Ivana na bagama't na-appreciate niya ang looks ng Europeans, mas bet pa rin niyang maging jowa ang mga Pinoy.