Tila masama ang loob ng social media personality at dating miyembro ng Hasht5 na si Marlou Arizala alyas "Xander Ford" matapos daw hindi sumipot ang ilang mahahalagang taong inimbitahan niya sa binyag ng anak nila ng partner na si Gema Mago.

Matatandaang noong Setyembre 2022, ibinunyag nina Xander at Gema ang pagbubuntis ng huli sa kanilang panganay na anak.

Inilabas ni Xander ang kaniyang himutok sa pamamagitan ng Instagram story.

"Ngayon yung binyag ng anak ko ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan ko na pupunta sila yung wala," ani Xander.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Kahit yung presensya lang sana para sa baby ko ok na ako pero alam ko di rin kami importante kasi di naman na kami sikat."

Screengrab mula sa IG ni Xander Ford

Screengrab mula sa IG ni Xander Ford

Hindi naman tinukoy ni Xander kung sino-sino ba ang mga imbitadong nang-isnab o hindi sumipot sa binyagan. Hindi rin niya idinetalye ang mga sinabing dahilan kung bakit hindi sila nakarating sa event.

Makikita sa Instagram post ni Xander noong Abril 24 ang kopya ng imbitasyon para sa naturang binyag.

Nakalagay na gaganapin nga ito ngayong Miyerkules, Mayo 3, sa isang chapel sa Silang, Cavite. Sinasabing 1:00 ng hapon ang pagsisimula nito. Ang reception naman ay sa isang resort sa Alfonso, Cavite.