Aminado ang 17-anyos na Pinoy talent na mami-miss niya ang American Idol family matapos magpaalam na sa kompetisyon nitong Martes, Abril 2.

Bigong makapasok sa Top 8 ang Pinoy-Canadian singer na si Tyson Venegas kasunod ng latest episode ng patok na singing competition.

Basahin: Wow! Pinoy talent Tyson Venegas, pasok na sa Top 12 ng American Idol – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matapos makapasok sa Top 10, isang Stevie Wonder classic ang inawit ng young singer na umani ng positibong komento mula sa judges na sina Katy Perry, Lionel Richie at Luke Bryan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bagaman kahanga-hanga ay bigo pa ring nakausad sa kompetisyon si Tyson.

“Thank you so much everyone for all ur luv. 🥹Your support means a lot. My @AmericanIdol journey has come to an end but what an honor it has been. Ngl, I’m gonna miss my new fam, 🥹💛🫰🏼” anang Pinoy singer sa kaniyang social media post, Martes.

Noong Pebrero nang unang masilayan si Tyson sa ika-21 season ng American Idol kung saan napabilib nito ang judges sa kaniyang rendition ng “New York State of Mind” ni Billy Joel.

Si Tyson din ang huling Platinum ticket holder na nanatili sa kompetisyon.