May ‘Triple Treat Tuesday’ ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa kanilang mga parokyano dahil milyun-milyong papremyo ang maaari nilang mapanalunan sa tatlong lotto games na nakatakdang bolahin ngayong Martes ng gabi, Mayo 2, 2023.

Batay sa jackpot estimates na inilabas ng PCSO, nabatid na aabot na sa higit 95 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58, na bobolahin ganap na alas-9:00 ng gabi.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Samantala, ang jackpot prize naman ng SuperLotto 6/49 ay nasa P15.8 milyon pa rin habang P25 milyon naman ang papremyo ng Regular Lotto 6/42.

Kaugnay nito, hinikayat muli ng PCSO ang mga mamamayan na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na ng lotto upang magkaroon ng tiyansang maging susunod na lotto multi-millionaire.

“Bakit tatlo ang jackpot you might ask? Because it's #TripleTreatTuesday!” ayon pa sa PCSO.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto, dahil sa halagang ₱20 lang ay may pagkakataong nang maging susunod na milyonaryo, at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang SuperLotto 6/49 ay may draw naman tuwing Martes, Huwebes at Linggo at tuwing Martes, Huwebes at Linggo naman ang bola sa Lotto 6/42.