Makakasama umano ang aktres na si Sunshine Dizon sa kauna-unahang teleseryeng kolaborasyon ng ABS-CBN at TV5 na "Pira-pirasong Paraiso" na pagbibidahan nina Alexa Ilacad, KD Estrada, Charlie Dizon, Joseph Marco, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, at Elisse Joson.

Matatandaang matapos ang paglipat sa Kapamilya Network noong 2021 para sa seryeng "Marry Me, Marry You," muling bumalik sa GMA Network si Sunshine para sa "Mga Lihim ni Urduja" na malapit na ring matapos.

Paliwanag ni Shine, isa siyang freelance artist at sana'y huwag siyang husgahan ng Kapuso at Kapamilya fans dahil nasa punto na siya ngayon ng showbiz career niya, na gusto na niyang makatrabaho lahat. Kaya naman, wala siyang exclusive contract sa GMA o kahit na sa alinmang TV network.

Anyway, kumakalat na ang tsika sa iba't ibang social media pages subalit wala pang kumpirmasyon mula kay Sunshine o sa pamunuan ng ABS-CBN tungkol dito.

Sunshine Dizon, balik-Kapuso? Miles Ocampo, mapapanood sa Kapamilya show