Nagbigay ng komento ang showbiz columnist-talent manager na si Lolit Solis sa bagong haircut ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na tumulak sa Amerika para sa bilateral meeting nila ni US President Joe Biden sa White House Oval Office.

Ayon sa Instagram post ni Lolit, mabuti raw at nagkaroon na ng oras si PBBM na magpagupit ng buhok.

"Buti nagkaroon ng time na magpa-haircut si President Bongbong Marcos. Kasi kung napansin mo mga appearance niya sa TV noon, parang hindi maayos ang hair niya, lalo na iyon nasa likod. Pero now, balik pogi siya sa bago niyang haircut kaya naman mukha na siya uling very fresh."

Dagdag pa niya, "Talaga siguro pag ikaw ang leader ng isang bansa iba ang magiging emotional na lagay mo dahil sa dami ng problema na hinaharap mo araw-araw. Fresh na fresh ng unang naupo sa puwesto si PBBM, pero ngayon mukha na siyang ngarag. Buti na lang at makikita mo sa body language nila ni First Lady Liza Marcos na nandoon pa rin ang romance."

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

"Iyon pag lumakad sila magka holding hands pa rin, iyon tinginan nila alam mo na meron pa rin kilig ng romance. Ang laki din ng suporta ng isang First Lady sa Presidente. Kaya nga mabuti na lang at kita mo na hangga ngayon mukhang matibay ang kanilang love sa isa't isa."

"Dapat talaga tayo lahat suportado natin ang ating leader. Tigilan na natin iyon palagi tayong meron complaints, hindi natin binibigyan panahon na gawin muna ang trabaho, umpisa pa lang panay na reklamo. Ipakita natin ang suporta at pabayaan muna natin gawin niya ang inaakala niyang mabuti."

"Saka siya ang binoto natin leader, kaya dapat ipakita natin ang ating tiwala. Basta para sa akin, kung anuman ang gagawin niya, irespeto natin. Hindi ganuon kadali maging leader, kaya huwag tayo sobra demanding. Wait muna tayo bago humusga."

"Respect and support our President, wait for the result bago humusga. Go go dear President Bongbong Marcos, our prayers will be with you. May tiwala kami sa inyo, bongga," ani Lolit.