Kinabiliban ng netizens ang isang 82-anyos na lola na si Atty. Iluminada Fabroa matapos itong lumahok sa skydiving sa Siquijor.

“Congratulations! Atty. Iluminada Fabroa for being the oldest skydiver in our dropzone at 82yrs old! ❤️,” saad sa Facebook post ng ‘Skydive Siquijor’ nitong Linggo, Abril 30. “Thank you for jumping with us! 🪂

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ng Skydive Siquijor na dumating si Lola sa kanilang site para mag-skydive noong Linggo kasama ang kaniyang buong pamilya.

Kita raw ng kanilang grupo kay Lola ang excitement sa pagsalang sa skydiving, ngunit bago iyon, tiniyak muna nilang fit siya sa naturang activity.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

“Meron po kaming doctor na tumingin po ng medical certificate at lab results po nya. According din po sa medical nya physically fit naman po si lola,” saad ng admin ng Skydive Siquijor.

Nang sumalang na sina Lola Iluminada para sa skydiving, hindi raw mapigilan ng grupo na bumilib sa kaniya dahil sa talagang nag-eenjoy siya sa activity at hindi man lang nakitaan ng takot.

“After po ng activity, parang wala lang po sakanya 😂,” kuwento ng Skydive Siquijor. “Siya na po ‘yung oldest dito sa skydive siquijor na nagjump po. Before is 72yrs old, so hindi po namin alam kung may makakatalo pa kay Lola.”

Maging ang netizens ay agad ding bumilib sa tibay at katapangang ipinamalas ni Lola Iluminada. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“How amazing is that! Well done to all involved! 👏🏼

“Astig ng Taxation Law Review Prof ko, at 82 she cam still skydive. Congratulations Atty. You made skydiving seem easy.”

“Congratulations Atty. Iluminada Muñoz Vaflor Fabroa at that age you're still doing amazing adventure. Stay safe and God bless you ❤️.”

“Grabe lakas 💪.”

“Wow! Amazing. Congrats Atty. One of my bucket lists. Hopefully someday I can try it🤞.”

Sa ngayon ay umabot na sa 2,600 reactions, 267 comments, at 938 shares ang naturang post ng Skydive Siquijor.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!