Pansamantalang magpapahinga muna ang singer na si Gigi De Lana sa pag-awit upang ipahinga ang throat nodules, ayon sa kaniyang anunsyo nang magtanghal sa isang event na ginanap sa SMX Convention Center, noong Miyerkules April 26, 2023.

Medical advice umano ng kaniyang doktor na magpahinga muna upang hindi lumala ang sakit niya sa lalamunan at patuloy pang makakanta.

Sa panayam naman ng PEP, sinabi ni Gigi na ilalaan niya ang halos isa hanggang dalawang buwang pahinga upang alagaan ang kaniyang inang may sakit na cancer.

Hindi pa aniya siya handang mawala sa kaniya ang ina subalit wala naman siyang magagawa kung ano ang magiging kalooban ng Diyos. Kailangan daw niyang tanggapin kung anuman ang mga posibilidad na mangyari.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"I'll do my best to stay with her, alagaan siya. Lahat ng gusto niyang kainin, ibinibigay ko kasi sinabi na ng doctor na wala nang bawal sa kaniya," sey pa ni Gigi.

May buwelta rin siya sa bashers na umokray na kaya raw siya nagka-throat nodules ay dahil sa pasigaw na paraan ng pagkanta.

"Yung may pinagdadaanan ka sa boses mo. Dami pa nag-assume at nag-judge kung bakit ako nagkasakit sa throat, dahil puro sigaw daw ako? Haha kaawa kayo, mga walang alam, basta maka-comment. Malamang kakayod ako para sa nanay ko na may cancer. Ako lang anak niya eh. Sino kakayod?"

https://twitter.com/GigiDeLana/status/1652443950580658177