Tinawag ni CIBAC Party-List Rep. Bro. Eddie Villanueva na “anti-God” at “unconstitutional” ang pagsama ng mga paksang may kinalaman umano sa LGBTQ tulad ng “gender fluidity”, “same-sex union” at “same-sex marriage” sa draft curriculum ng Department of Education (DepEd) para sa Kindergarten hanggang Grade 10.

Sa pahayag ni Villanueva nitong Martes, Mayo 2, sinabi niyang nagulat siyang malaman na itinataguyod sa curriculum ang “gender ideology, same sex union at same-sex marriage” sa curriculum ng basic education.

"What is more worrying is the slant towards promoting and condoning such practices in the minds of our young students,” ani Villanueva.

“Not only is this anti-God, but also clearly unconstitutional! Section 13, Article II of the Constitution mandates that the State shall promote the moral and spiritual well-being of our youth. I do not see that the introduction of these topics into our basic education curriculum is heading the right direction,” saad pa niya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Bagama't draft pa lamang daw ang nasabing DepEd curriculum, sinabi ni Villanueva na sana ay sumailalim pa rin ito sa mga rebisyon.

"I am calling all stakeholders to be more vigilant on this issue because this is a primordial concern that will shape the moral fiber of our youth,” ani Villanueva.

Inilabas kamakailan ng DepEd ang draft ng kanilang revised curriculum sa kanilang Facebook page at sinabing bukas ito sa pagsusuri at rekomendasyon ng publiko at interesadong kinauukulan hanggang sa Miyerkules, Mayo 3.

Sa panukalang bagong curriculum sa ilalim ng Araling Panlipunan 10, kabilang sa mga paksang kasamang ituturo sa mga estudyante ay ang “Mga Konseptong Pangkasarian”, “Gender Roles sa Iba’t Ibang Panig ng Pilipinas at Daigdig”, “Mga Isyung Nagaganap sa Lipunan Kaugnay ang Kasarian”, “Mga Saligang Nagtataguyod sa Iba’t Ibang Kasarian”, at “Pag-aaral ng Kaso sa Isyung Pangkasarian”.

Saad ng draft ng DepEd, ituturo ang mga nasabing paksa “upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.”